8 zones lalahok sa WHO solidarity trials

8 zones lalahok sa WHO solidarity trials

September 15, 2020 @ 1:22 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Science and Technology ang walong lugar na lalahok sa solidarity trial ng World Health Organizations para sa COVID-19  vaccine.

Sa virtual briefing, tinukoy ni Secretary Fortunato dela Peña ang mga lugar na binubuo ng 13 pasilidad kabilang ang:

– Philippine General Hospital

– Manila Doctors Hospital and San Lazaro Hospital

– Lung Center of the Philippines

– St. Luke’s Medical Center Quezon City, Research Institute for Tropical Medicine and Makati Medical Center

– The Medical City

– St. Luke’s Medical Center – BGC

– Vicente Sotto Memorial Medical Center combined with Chong Hua Hospital and De La Salle Health Sciences Institute

– Southern Philippines Medical Center

Lima sa mga ito ay matatagpuan sa Metro Manila habang tig isa naman sa Region IV o CALABARZON, Cebu at Davao.

Ang mga ito ayon sa opisyal ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ang PGH ang magiging pangunahing magpapatupad ng trial o main implementer  na may pondo na ₱ 89 milyon.

Naghihintay naman ang pamahalaan ng mga protocol mula sa WHO, na inaasahan sa Oktubre.

Samantala, sinabi pa ni Dela Pena na 980 participants ang lalahok para sa solidarity trial.

Inaprubahan ng IATF ang pakikilahok ng bansa sa solidarity trial ng WHO sa ilalim na rin ng Resolution 47.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

 


  •  
  •  
  •  

Loading...