80-99 anyos bibigyan P25K; 101 anyos may P1M sa panukalang ipinasa ng Kamara

80-99 anyos bibigyan P25K; 101 anyos may P1M sa panukalang ipinasa ng Kamara

February 1, 2022 @ 1:45 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10647 na naglalayong bigyan ng dagdag na benepisyo ang mga Pinoy centenarians.

Sa ilalim ng panukala lahat ng Filipino centenarians na aabot ng 101 taon ay makakatanggap ng P1 million sa kanilang kaarawan at felicitation letter mula sa Pangulo ng bansa.

Samantala ang mga aabot naman ng 80, 85, 90 at 95 taon ay makakatanggap ng P25,000 felicitation letter sa Pangulo.

Sa ilalim ng panukala ay ang National Commission of Senior Citizens ang siyang implementing agency ng panukala. Gail Mendoza