80-anyos na lola ginahasa, tigang arestado!

80-anyos na lola ginahasa, tigang arestado!

March 22, 2022 @ 1:12 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas ngayon ang isang lalaki matapos madakip ng mga awtoridad sa inilatag na “Oplan Pagtugis” sa kasong panggagahasa nitong Sabado sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na si Allan Arena Sr., 52, steel man sa Barangay Busay, at taga Barangay Buanoy, Balamban City.

Sa pinagsamang puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group in Central Visayas (CIDG-7), Regional Intelligence Unit (RIU 7) at Balamban municipal police station, naaresto ang suspek bandang 1:30 PM sa nasabing lugar.

Ayon kay Staff Sergeant Rose Ann Portal, ng Women and Children’s Protection Desk sa Balamban Police Station, taon 2020 inireklamo ng panggagahasa ang suspek ng lola na itinago sa pangalan Dory.

Nakasaad sa reklamo ng biktima na dalawang beses siyang ginahasa ng suspek sa tuwing wala sa kanilang bahay ang kanyang mga anak.

Unang naganap ang panggagahasa sa loob ng kanyang bahay habang siya ay nanunuod ng telebisyon ng bigla na lamang pumasok ang suspek at saka siya hinalay.

Ikalawa naman ay nahuli sila ng kanilang kapitbahay subalit nakatakas ang suspek.

Makalipas ang 2-taon nadakip ang suspek at ngayon ay nasa kustodiya ng CIDG-7 at nahaharap sa kasong Rape.

Depensa ng suspek may relasyon sila ng biktima./Mary Anne Sapico