80 distressed OFWs mula Kuwait nakauwi na

80 distressed OFWs mula Kuwait nakauwi na

January 27, 2023 @ 3:23 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 80 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait ang dumating na sa bansa nitong Biyernes, Enero 27 ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa pahayag, sinabi ng OWWA na ang ika-apat na batch ng distressed OFWs mula sa nasabing bansa ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang 5:40 ng umaga.

Sinalubong naman ng repatriation team ang mga dumating na OFW.

“Bukod sa pagkain at inumin, nakatanggap din ng financial assistance ang bawat isa sa kanila,” ayon sa OWWA.

Matatandaan na nauna nang binisita ng team mula sa Department of Migrant Workers ang government-run facilities sa Kuwait kung saan namamalagi ang mga distressed OFW doon.

Inihanda rin ng ahensya ang agarang repatriation para sa mga ito.

Inaasahan na darating sa bansa sa mga susunod na araw ang ikalimang batch ng OFWs mula Kuwait. RNT/JGC