80 free Wi-Fi sites sa CALABARZON, ikinasa ng DICT

80 free Wi-Fi sites sa CALABARZON, ikinasa ng DICT

February 3, 2023 @ 11:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ini-activate ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang 80 libreng Wi-Fi sites at hotspots sa 20 lokasyon sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

Sa layunin nitong bigyan ang mga Pilipino ng access sa mga oportunidad, edukasyon, at impormasyon, ang DICT, sa pamamagitan ng “Free Wi-Fi for All” program nito, ay nagkasa ng 80 libreng Wi-Fi sites sa CALABARZON.

Ang newly-activated sites ay matatagpuan sa mga sumusunod na institusyon: Polytechnic University of San Pedro at Santa Rosa, Laguna; Technological University of the Philippines sa Batangas; Batangas State University San Juan, Lobo, at Malvar branches; University of Rizal System sa Tanay, Antipolo, Pililla, at Morong; Southern Luzon State University isa n Tiaong, Gumaca, Lucban, Infanta, at Polillo, Quezon; Polytechnic University of the Philippines sa Lopez at General Luna, Quezon; maging sa Dalubhasaan Ng Lungsod ng Lucena, Quezon; at Colegio De Ciudad De Tayabas, Quezon.

Base sa DICT, ang internet speed na 256 kbps “will remain constant” sa lahat ng sites. Makagagamit ang users ng 50 mb ng data kada araw o hanggang 1GB ng data kada buwan. Sa connectivity, lahat ng devices – mula smartphones, desktops, at laptops – ay maaaring maka-connect.

Inihayag ni DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo na target ng ahensya na maglunsad ng hindi bababa sa 15,834 libreng Wi-Fi sites sa buong Pilipinas sa 2023, partikular sa malalayong lugar, sa paniniwalang makatutulong ito na mapagbuti ang public access sa ICT-related services. RNT/SA