80% kawani ng DepED bakunado na vs COVID — DepEd

80% kawani ng DepED bakunado na vs COVID — DepEd

February 4, 2022 @ 1:04 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa 80.25 porsyento ng teaching at non-teaching personnel ang bakunado laban sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Education (DepEd).

“We are thankful to our teachers and personnel for their overwhelming support to our vaccination efforts,” ani Education Secretary Leonor Magtolis Briones.

“Our shared goal to get protected against COVID-19 will help us fast track our safe return to our classrooms.”

Sinabing ang eksaktong bilang ng bakunadong personnel ay nasa 779,002 na mula sa 970,730 personnel galing field offices at paaralan.

Pinakamataas naman ang porsyento ng bakunado sa DepEd–Region XII (SOCCSKSARGEN) na may 96.30 percent.

Sinundan ito ng DepEd National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR) na may 93.29% at 89.41% immunization status.

Base pa sa DepEd, rehistrado na ang 156,299 DepEd personnel sa kanilang Local Government Unit (LGUs) habang 49,152 ang hindi pa nakakapagparehistro dahil sa ilang rason. RNT/FGDC