80 Navoteños, benepisyaryo ng livelihood packages

80 Navoteños, benepisyaryo ng livelihood packages

January 2, 2023 @ 11:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Navotas Cong. Toby Tiangco ang pamamahagi ng mga livelihood packages sa 80 Navoteños sa ilalim ng Angat Kabuhayan Program ng NavotaAs Hanapbuhay Center.

Sa kanyang mensahe ay hinikayat ni Tiangco ang mga benepisyaryo na sikaping palaguin ang kanilang kabuhayan upang makatulong sa araw-araw na pamumuhay ng kanilang mga pamilya.

Kabilang sa livelihood packages na ipinamahagi ay para sa sari-sari store, silog meals, street food, homemade kakanin, bigasan, flying saucer, banana cue, manicure and pedicure, dishwashing soap, frozen goods, at siomai and siopao businesses. Nagsagawa rin ng NegoSeminar upang turuan ang mga benepisyaryo ng mahusay na pagma-manage sa kanilang mga negosyo. Jojo Rabulan