80% ng barangays sa Davao, malaya na sa droga

80% ng barangays sa Davao, malaya na sa droga

August 4, 2022 @ 11:55 AM 2 weeks ago


DAVAO CITY –Halos nasa 80 porsyento na ng mga barangay sa Davao Region ang idineklarang illegal drug base sa datos ng Police Regional Office Davao Region nitong Miyerkules.

Ayon kay PDEA-11 Director Aileen Lovitos (PRO-11), Regional Oversight Committee Barangay Drug Clearing, lumabas sa kanilang datos na 867 o 76.86 percent sa kabuuan apektado na mga barangay at idineklarang illegal drugs free habang ang natitirang 263 barangays o 23.2% na natitira ay patuloy na tinututukan ngayon ng mga pulis at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sinabi ni Lovitos na 9 na barangay na nagsumite ng kanilang mga dokumento ang napatunayan na Drug-Cleared Barangay base na rin sa itinakdang kautusan ng Dangerous Drugs Board.

Ang nasabing mga barangay ay mula Davao de Oro province ito ay Dumlan, Kinuban, Lumatab, Mainit, Masara, New Leyte, Pangi at Panoaron ng Maco; at Barangay Tagugpo ng Pantukan, Davao de Oro .

Sa kabuuan 1,162 barangay sa rehiyon, 1,128 sa mga ito ang tinukoy na may mga kaso ng illegal drugs.
Samantala, nitong Miyerkules naaresto ng mga tauhan ng Mandug police ang nasa 7th most wanted drug personality sa isinagawang entrapment operation.

Nakuha mula sa suspek na si Wendel Subaan, 37, ang illegal na droga na nagkakahalaga ng P160,000.00./Mary Anne Sapico