80% ng mga imbitado sa SONA kumpirmadong dadalo

80% ng mga imbitado sa SONA kumpirmadong dadalo

July 21, 2022 @ 1:14 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ni House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza na 80 porsiyento na ng mga imbitado sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos ang nagkumpirma ng kanilang pagdalo maliban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Mendoza ilan sa mga matataas na opisyal na kumpirmadong dadalo ay sina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at dating Pangulong Joseph Estrada gayundin ang miyembro ng diplomatic corps at justices.

Sinabi ni Mendoza na simple lamang ang magiging SONA alinsunod sa nais ni Pagulong Marcos, si Film Director Paul Soriano ang syang magdidirect ng SONA at ang Choir group sa Ilocos ang kakanta ng national anthem.

Aniya, ang Plenary Hall ay kayang nang mag-okupa ng 367 na upuan para sa mga mambabatas at 1,357 gallery seats para sa mga bisita matapos ang naging renovation nito kung saan ginastusan ng P100 milyon.

“Actually yung sa floor plan, ibang-iba na, dati kasi flat sya, ngayon elevated na yung seating arrangement natin, before kasi kaunti lang, nung 306 nga, sobrang siksikan na.Kasi previous SONA, makikita ninyo may mga monobloc sa gilid, hindi naman magandang tignan, panget yung itsura,so dito ginawa natin, makakaupo, as much as possible”paliwanag ni Mendoza.

Sa ngayon ay all systems go na ang Kamara para sa SONA.

“Okay na tayo, systems go na tayo, yung session hall naman will be ready by tomorrow, okay na po siya, everything’s okay na. More on security preparations na lang tayo dito sa House,” pagtatapos pa ni Mendoza. Gail Mendoza