80 OFWs na may COVID sa HK, naasikaso na ng konsul

80 OFWs na may COVID sa HK, naasikaso na ng konsul

February 25, 2022 @ 5:30 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Binigyang pansin na ng Philippine consulate general ang halos 80 Filipino sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19 sa panahon ng ika-5 wave ng impeksyon.

Sinabi ni Consul general Raly Tejada na ang kanilang opisina ay nakatanggap ng 108 ulat ng COVID-19 related issues mula nang magsimula ang wave noong nakaraang linggo. Nakapagtala ng 77 na nagpositibo ng coronavirus.

“All are safe and staying in an isolation facility. It must be noted that the severity and magnitude of the 5th wave took everyone by surprise and affected not just Filipinos but all citizens,” ani Tejada sa virtual briefing.

Nagpaabot na Ng tulong ang Philippine Consulate General sa mga OFWs sa Hong Kong na apektado .
Nakipagtulungan ang konsulado sa isang non-government organization at sa Hong Kong labor department para matulungan ang mga OFW.

Idinagdag nito na tiniyak ng Hong Kong labor department na lahat ng dayuhang domestic helper—na sumasaklaw sa karamihan ng mga Pilipino doon—ay tatanggap ng medikal na atensyon at isolation kung kinakailangan.

“The seemingly panic mode which gripped the Hong Kong health care system last week has since subsided….stark contrast from scenes last week when all hospitals were filled to brim. Now it’s a completely different story and everyone has been given attention required, including Filipinos,” ayon pa kay Tejada

Sinabi ng konsul na nagpatupad ang Hong Kong ng vaccination pass para makapasok sa mga pampublikong lugar kabilang ang mga tindahan at religious center.

Simula March 1, ang mamamayan ng Hong Kong ay sasailalim s mandatory
COVID-19 tests, ang karagdagang requirement sa vaccination passes na
kasalukuyang ipinapatupad bilang tugon sa Omicron-led wave.

Samantala, sinabi ng Philippine consulate general na natukoy na nito ang 3 hanggang 5 employer na iimbestigahan sa pagpapatalsik sa kanilang mga manggagawang Pilipino matapos silang magkasakit.

Habang nakatanggap sila ng mga ulat ng higit pang 10 employer ang gunawa nito ngunit pinabalik din ang kanilang manggagawa kalaunan.

Inatasan naman ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong na mag-imbestiga.

“We need to make sure that our kababayans who are sick recuperate first, and we will ask them and investigate the circumstances of their termination. After that we will proceed. If we need to file charges, we will do so,”

“Of course, we issued warnings to the employment agencies as well as a general warning to other employers not to do a similar act in the future, because they will face charges definitely if it so merits.” ani Tejada

Dagdag nito na ang mga employer ay mai-blacklist din sa Philippine manpower agencies kung mapatunayang nagkasala sa ilegal na pagpapaalis sa kanilang mga empleyado.

Nilinaw ng consul general na hindi siya naniniwala na ang mga Pilipino ay biktima ng diskriminasyon batay sa mga insidenteng nakakaapekto sa mga domestic helper. Jocelyn Tabangcura-Domenden