80% vax rate, below 1 reproduction number nangangahulugan ng herd immunity — OCTA

80% vax rate, below 1 reproduction number nangangahulugan ng herd immunity — OCTA

December 8, 2021 @ 5:53 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sinabi ni independent OCTA Research group fellow Dr. Guido David na dapat magkaroon ng hanggang 80% vaccinated population at reproduction number na mas mababa sa isa upang maikonsiderang nakamit na ang ‘herd immunity.’

Sinabi ni David na mayroon lamang isang formula sa pag-assess sa herd immunity na nakabase sa vaccination rate at reproduction number.

“It is based doon sa reproduction number, pero needed yung minimum level natin to achieve herd immunity should be around 80% vaccination rate based doon sa reproduction number.”

“Kailangan below 1 ang reproduction number. Kung hindi below 1, then hindi pa na-achieve herd immunity,” dagdag pa nito.

May ilan pa aniyang salik ang dapat ikonsidera sa herd immunity tulad ng ‘efficacy’ ng brand ng bakuna. RNT/FGDC