80 vintage bomb nahukay sa Cagayan

80 vintage bomb nahukay sa Cagayan

August 3, 2022 @ 3:26 PM 1 week ago


CAGAYAN VALLEY- Nahukay ng mga pulis ang 81 na vintage bomb sa bayan ng Gattaran sa Cagayan.

Umabot sa 81 Japanese cartridge high explosive, apat na unexploded ordnance at isang vintage bomb ang narekober ng pinagsanib-pwersang Canine Unit (K9 Unit) at 2nd Maneuver Force Platoon ng Provincial Mobile Force Company sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Gattaran.

Ang mga nasabing bomba ay nadiskubre sa bahay ni Honesto Buenio ng Brgy Centro Sur habang ang isang vintage bomb naman ay narekober sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Takiki, Gattaran, Cagayan.

Isang residente ang nakadiskubre ng vintage bomb sa naturang lugar habang isang concern citizen ang itinawag ang mga nakitang UXO at Japanese cartridge sa awtoridad.

Sa ngayon ay nasa pag-iingat na ng Cagayan Provincial EOD at K9 Unit ang mga nadiskubreng bomba para sa kaukulang doukumentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco