800 Pinoy istranded sa Diego Garcia island

800 Pinoy istranded sa Diego Garcia island

September 17, 2022 @ 4:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Halos isang libong Pilipino na nagtatrabaho sa isang American construction firm sa Diego Garcia island, isang remote US military base sa Indian Ocean, cang hindi makaalis sa isla dahil sa mga banta ng employer na tatanggalin sila sa trabaho, base kay Migrant Workers Secretary Susan Ople.

Sinabi ni Ople nitong Biyernes na halos 800 manggagawang Pinoy ang walang magawa kundi ituloy ang kanilang trabaho sa military base nang walang bakasyon kaysa matanggal sila sa trabaho.

Ang overseas Filipino workers (OFWs) ay nagtatrabaho sa Kellogg Brown and Root, isa sa pitong defense contractors sa isla na tumanggap ng mga Pilipino bilang mga empleyado, base kay Ople.

“They are stranded in the sense that they could not go on vacation. They are afraid that once they go on vacation in the Philippines, they will either not be allowed by the POEA (Philippine Overseas Employment Administration) or that they might get sacked from their jobs,” pahayag ni Ople.

Tatlong taon nang nananatili ang OFWs sa Diego Garcia. Sinabi ni Oplena ang sahod ng OFWs ay $5.25 lamang kada oras, na mas mababa pa sa minimum wage na itinakda ng US Federal Law na $7.25 kada oras. RNT/SA