800K mamamayan handang lumaban sa US – NoKor

800K mamamayan handang lumaban sa US – NoKor

March 19, 2023 @ 10:49 AM 7 days ago


NORTH KOREA – Sinabi ng North Korea na nasa 800,000 ng mga mamamayan nito ang nagboluntaryo na sumali o nagpalista para lumaban sa Estados Unidos, sinabi ng state newspaper ng nasabing bansa nitong Sabado, Marso 18.

Nitong Biyernes lamang, nasa 800,000 mga estudyante at manggagawa ang nagpahayag ng pagnanais na magpalista o mag-reenlist sa military upang lumaban sa US.

“The soaring enthusiasm of young people to join the army is a demonstration of the unshakeable will of the younger generation to mercilessly wipe out the war maniacs making last-ditch efforts to eliminate our precious socialist country, and achieve the great cause of national reunification without fail and a clear manifestation of their ardent patriotism,” ayon sa Rodong Sinmun newspaper.

Nitong Huwebes, sinabi ng North Korea na inilunsad nito ang Hwasong-17, pinakamalaking intercontinental ballistic missile (ICBM) bilang tugon sa nagpapatuloy na US-South Korea military drill.

Pinakawalan ng North Korea ang ICBM sa dagat na nasa pagitan ng Korean peninsula at Japan, ilang oras bago lumipad ang pangulo ng South Korea patungong Tokyo para sa summit kaugnay ng nuclear activity ng una.

Noong Lunes, Marso 13, ay nagsimula na ang South Korean at American forces ng 11 na joint drills na tinawag nilang “Freedom Shield 23.” RNT/JGC