801 Pinoy edad 12-17 naturukan na ng COVID-19 booster shot

801 Pinoy edad 12-17 naturukan na ng COVID-19 booster shot

July 2, 2022 @ 3:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Halos 800 kabataan mula 12 hanggang 17 taon ang nabakunahan na ng COVID-19 booster dose, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Sabado.

Bahagi ang mga kabataan na naturukan ng booster dose ng A3 priority group o immunocompromised.

“According to the latest vaccination report from the [National Vaccination Operations Center], as of June 29, 2022, 801 individuals from the A3 12-17 age group have been given booster doses,” pahayag ng DOH.

Unang binuksan ng DOH ang COVID-19 booster dose vaccination ng immunocompromised na may edad na 12 hanggang 17 taon upang tiyakin ang maayos na implementasyon ng rollout.

“As provided for in DOH [Department Memorandum] No. 2022-0263, the roll-out of the first booster/third dose for all adolescents ages 12 to 17 may proceed as soon as the Local Vaccination Operations Centers (LVOCs), implementing units, and vaccination sites/teams are ready,” ayon sa ahensya.

Gagamitin ang Pfizer COVID-19 vaccine bilang ikatlong dose sa naturang age group.

Hanggang nitong Hunyo 20, halos 9.5 milyong kabataan ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. RNT/SA