8,029 pasado sa November 2022 Civil Engineer Licensure Exam

8,029 pasado sa November 2022 Civil Engineer Licensure Exam

November 29, 2022 @ 1:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes na 8,029 sa 20,407 ang nakapasa sa November 2022 Civil Engineer Licensure Examination.

Isinagawa ito noong Nov. 19 hanggang 20.

Inihayag ng PRC na mag-aabiso ito ukol sa petsa ng oathtaking at venue.

Itinanghal ang University of the Philippines Diliman (UPD) bilang top-performing school sa board exam na may overall passing rate na 95.45 porsyento, batay sa PRC.

Sinundan ito ng UP Los Baños (UPLB) na nakakuha ng 92.75 porsyento.

Samantala, nanguna naman si Carl Jervin Rivera Magtira mula sa UPLB sa pagsusulit na nagkamit ng rating na 95 porsyento.

Sinundan siya ng UPD graduates na sina Andrew Aren Binondo Ong at Joseph Lawrence Galletes Celeste na nakakuha ng 94 porsyento at 93.95 porsyento.

Pinangasiwaan ng Board of Civil Engineering sa Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga ang pasgususlit, ayon sa PRC.

“On January 30-31, February 1-3, February 6-10 and February 13-15, 2023, registration for the issuance of Professional Identification Card (ID) and Certificate of Registration will be done on-line. Please go to www.prc.gov.ph and follow instructions for initial registration. Those who will register are required to bring the following: downloaded duly accomplished Oath Form or Panunumpa ng Propesyonal, notice of admission (for identification only), 2 pieces passport sized pictures (colored with white background and complete name tag), 2 sets of documentary stamps and 1 piece short brown envelope,” dagdag ng PRC.

Inatasan din ang mga nakapasa na personal na magparehistro at lumagda sa Roster of Registered Professionals. RNT/SA