809 kilong shabu na nasabat sa Zambales, Bataan, Cavite pinawawasak na

809 kilong shabu na nasabat sa Zambales, Bataan, Cavite pinawawasak na

September 12, 2021 @ 2:48 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  para sa court clearance ng agarang pagsira sa 800 kilos ng shabu na nasabat sa mga operasyon sa Zambales, Bataan, at Cavite.

 “This is also in compliance with the instruction of President Duterte to destroy in the soonest possible time all the confiscated illegal drugs, although this is already almost impossible to achieve due to stricter rules on the chain of custody,” saad ni PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.

Nakasaad sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na makaraan ang paghahain ng criminal case, dapat magsagawa ang krote ng ocular inspection sa loob ng 72 oras sa mga nasabat na shabu o kemikal at ‘through the PDEA shall within 24 hours thereafter proceed with the destruction or burning of the same’, provided, that a representative sample, duly weighed and recorded is retained.”

Sa ulat, ang nakumpiskang 809 kilong shabu sa Zambales, Bataan, at Cavite at may street value na P5.5 bilyon. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •