81.4M pasahero nakinabang sa ‘Libreng Sakay’

81.4M pasahero nakinabang sa ‘Libreng Sakay’

June 1, 2022 @ 6:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigit 81 milyong pasahero ang nakinabang sa “Libreng Sakay” program at iba pang serbisyo sa ilalim ng service-contracting program (SCP) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa Facebook post nitong Miyerkules, sinabi ng LTFRB na ang ikatlong phase of ng implementasyon ng transportation subsidy program ay nakapagsilbi sa 81,444,168 pasahero mula Abril 3 hanggang Mayo 30.

Sa kasalukuyan, pinalawig na ang programa mula sa Epifanio de los Santos Avenue (Edsa) Busway sa maraming parte ng National Capital Region at iba pang rehiyon.

“Dagdag pa rito, nagbukas din ng rutang PITX-NLET, at Cubao-NLET para sa mga mananakay na patungo at palabas ng Metro Manila mula Region 1, Region 2, Region 3, at CAR (In addition, the routes PITX-NLET and Cubao-NLET have been opened to serve passengers headed outside Metro Manila to Regions 1 [Ilocos], 2 [Cagayan Valley], 3 [Central Luzon], and Cordillera region),” pahayag ng LTFRB.

Maaaring asahan ng publiko ang nas maraming ruta at public utility vehicles (PUV) na makikilahok sa SCP at sa free ride program sa iba pang bahagi ng bansa.

Layunin ng programa na tulungan ang transportation sector sa gitna ng pagtaas sa presyo ng langis at iba pang bilihin. RNT/SA