81 human rights violations naitala sa first 100 days ni Marcos – youth group

81 human rights violations naitala sa first 100 days ni Marcos – youth group

October 8, 2022 @ 4:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 81 counts ng human rights violations ang naitala sa termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa ecumenical youth group Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) nitong Biyernes.

Inihayag ng SCMP na ang katotohanan sa ilalim ng bagong administrasyon ay nangangahulugan na ito ay pagpapatuloy umano ng “culture of violence and impunity made worse by the previous Duterte regime” na tumutuligsa sa mga aktibista at inosenteng indibidwal.

“These human rights violations highlight that the Marcos Jr.’s administration disregards human rights,” ani SCMP national chairperson Kej Andres.

“As people rise up from high prices and worsening social problems, the government clamps down on the masses as the first family uses people’s taxes on parties, foreign trips, and other decadent activities,” giit ni Andres. “Hence, Marcos Jr.’s rule puts Philippine society into a sinful situation.”

Sinabi pa ng SCMP na ang unang kaso ay ang pagkakaaresto ng tatlong youth activists noong Hunyo 30 matapos magsabit ng banner sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Samantala, ang mga bagong kaso ay ang presensya ng mga pulis sa Iglesia Filipina Independiente National Cathedral sa isang workers’ forum at pag-atake kay radio blocktimer Flo Hervias sa Iloilo, na naganap nitong Biyernes.

Inihayag ng grupo na nakapagtala ito ng hindi bababa sa 13 pagpatay— kabilang ang pagpaslang sa siyam na taong si Kyllene Casao, at Maximino Digno, isang 60-anyos na indibidwal na person with disability — ng mga tropa ng gobyerno sa Batangas. Sinabi nito na naganap ang karamihan sa mga kaso sa umano’y “fake encounters” sa New People’s Army (NPA).

“These cases contradict the statement of the new CHR (Commission on Human Rights) Chairperson (Richard) Palpal-latoc in saying that the human rights situation is ‘fair’ and that the justice system is ‘working,’” giit ni Andres.

Pinatutungkulan ni Andres ang komento ni Palpal-latoc’s sa iringan sa pagitan ng Department of Justice (DOJ) at ng International Criminal Court (ICC) sa pagpilit ng huli na ituloy ang imbestigasyon sa drug war sa bansa. 

Marami ang pumupuna kay Marcos sa pagiging tikom ang bibig sa human rights situation sa bansa. RNT/SA