81% ng kabataan, kulang sa physical activities

81% ng kabataan, kulang sa physical activities

October 26, 2022 @ 9:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 81% ng mga kabataan edad 11 hanggang 17 taong gulang ang kulang sa mga pisikal na aktibidad dahilan upang malagay ang mga ito sa banta ng sakit.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng World Health Organization kung saan ang mga kabataan ay mas mababa pa sa isang oras ang inilalaan sa moderate to intense physical activities bawat araw.

Maliban dito, nakita rin sa pag-aaral na 85% sa less active ay mga babae samantala 77% naman ang mga lalaki.

Sa datos ng WHO nitong 2019, nanguna ang South Korea sa mga bansa na mayroong “most physically inactive adolescents” at kasunod nito ang Pilipinas.

Patunay dito ang pinakabagong pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) na heath disease ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga Filipino, na karaniwang nakukuha ng mga indibidwal na kulang sa pisikal na aktibidad.

“Yung pagiging sedentary, yan yung panibagong smoking so yun yung parang bagong pag-aaral din sa ngayon. Pwede kang mag-gain ng weight. Yung mga taong on the heavier side ay mas prone sa pagiging diabetic, pagkakaroon ng sakit sa puso, sa pagkakaroon even ng mga mental health issues, depression, anxiety, and all other diseases,” pahayag ni lifestyle medicine specialist Dr. Dex Macalintal.

Inirerekomenda ng mga eksperto na magkaroon ng “20-20” rule ang mga tao na kada 20 minuto ay magkaroon ng 20 segundo ng pagtayo, paglalakad at stretching. RNT/JGC