810 bagong kaso ng COVID, naitala

810 bagong kaso ng COVID, naitala

November 17, 2022 @ 7:13 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling nakapagtala ang Department of Health ng mababang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa nagdaang dalawang linggo na umabot lamang sa 810.

Dahil dito ay bumaba naman ang aktibong kaso ng sakit sa bansa na nasa 18,824 habang ang total caseload ay umakyat na sa 4,020,965.

Tumaas naman ang total recoveries sa 18,824 habang ang death toll ay tumaas sa 64,432 dahil sa karagdagang 12 deaths.

Ang National Capital Region pa rin ang may pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa nagdaang 14 araw na may 2,945 kaso.

Sinundan ito ng Region IV-A na may 1,772; Western Visayas na may 1,413; Central Luzon na may 1,046 at Central Visayas na may 927.

Nasa 14,068 indibidwal naman ang nasuri laban sa COVID-19 noong Martes, Nobyembre 15, habang 344 laboratoryo naman ang nagsumite ng resulta. Jocelyn Tabangcura-Domenden