81K manok sa South Cotabato kinatay sa avian influenza

81K manok sa South Cotabato kinatay sa avian influenza

September 21, 2022 @ 12:09 PM 7 days ago


SOUTH COTABATO – Bilang pag-iingat sa avian influenza (AI) ay kinatay ang nasa 81,000 mga manok sa isang commercial poultry farm sa Tantangan, nasabing probinsya.

Ayon kay Gov. Reynaldo Tamayo Jr., ang mga pinatay na manok ay nagkakahalaga ng P35-milyon na isinagawa bilang pag-iingat sa naturang virus.

Babala ni Provincial Veterinary chief Dr. Flora Bigot, posibleng maipasa sa tao ang avian influenza virus kung kaya’t pinag-iingat ang mga taong malapit sa lugar.

Ilan sa mga paraan umano na maipasa ang bird flu sa tao ay sa pamamagitan ng direct contact sa manok o pagkain ng hindi gaanong luto na karne o itlog ng apektadong manok.

“The AI is also a threat to our poultry industry as it is highly contagious in birds, chicken, ducks, quails and other fowl families,” dagdag ni Bigot.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng surveillance ang veterinary office sa mga lugar na pasok sa seven-kilometer radius at one-kilometer quarantine area mula sa apektadong poultry farm. RNT/JGC