82-anyos lola na naka-oxygen support, tiklo sa P1.7-M shabu

82-anyos lola na naka-oxygen support, tiklo sa P1.7-M shabu

June 21, 2018 @ 8:24 PM 4 years ago


 

Batangas City – Inaresto ang isang 82-anyos na lola matapos mahulihan ng 250 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P1.7 milyon sa Rizal Avenue, Batangas City.

Ayon sa ulat, kinilala ang suspek na si Estelita “Nanay” Andal na may suot pang oxygen support nang maaresto.

Nahuli rin ang iba pa niyang kasama na sina Danilo “Kalbo” Ramos, 32, at Circoncicion “Mamira” Andal, 59.

Sa ulat ng pulisya, ang grupo umano nina Lola Estelita ang pangunahing nagsu-supply sa mga tulak ng droga sa Batangas City.

“Ang ginagawa nilang cover kunwari may sakit sila, ‘yung bahay nila ‘yung old house para hindi halata. Disimulado ‘yung kanilang drugs business for several years,” sabi ni Sr. Supt. Edward Quilates, provincial director ng Batangas PDO.

Itinanggi naman ni Lola Estelita na nagbebenta sila ng ipinagbabawal na gamot.

“‘Yun eh may nagdala, ipinahabilin at kukuhanin daw kagabi. ‘Pag po nagpapahabilin sa akin at kinukuha ulit eh binibigyan ho ako ng pera,” sabi ni Lola Estelita.

Hawak ng pulisya ang ilang text messages na makapagpapatunay na sangkot nga ang grupo ni Lola Estelita sa iligal na gawain. (Remate News Team)