82-anyos na lola, oldest woman na nakaakyat sa tuktok ng Mt. Apo

82-anyos na lola, oldest woman na nakaakyat sa tuktok ng Mt. Apo

December 4, 2022 @ 11:43 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matagumpay na naakyat ni Atty. Iluminada Vaflor Fabroa ang tuktok ng pinakamataas na bundok sa Pilipinas, ang Mount Apo nitong Huwebes, Disyembre 1 sa pamamagitan ng Kapatagan, Digos City trail sa Davao del Sur.

Dahil dito ay siya na ang maituturing na oldest woman sa bansa na nakaakyat sa tutok ng naturang bundok.

Ayon kay Digos City Tourism Officer Perla May Griffin, aminadong nahirapan si Fabroa sa pag-akyat at umaasa umano ito na mapabubuti pa ang trail ng Mount Apo katulad ng sa Mount Pulag na naakyat na rin nito.

“She said, ‘Kung kaya mo pa mag-climb. Go, climb!’,” ani Griffin.

“According to her, kung buhay pa siya next year, aakyatin niya pa ang Mount Everest base camp,” dagdag pa niya.

Si Fabroa, isang retired director ng Commission on Audit at CPA-lawyer mula Cavite, ay nagdiwang ng kanyang ika-82 kaarawan sa campsite ng bundok kasama ang kanyang manugang at apo.

Noong Setyembre lamang ay itinanghal naman na pinakamatandang tao na nakaakyat sa Mount Apo ay ang 83-anyos na magsasaka. RNT/JGC