82 wanted person sa Region 2, nalambat sa SACLEO

82 wanted person sa Region 2, nalambat sa SACLEO

January 28, 2022 @ 5:14 PM 8 months ago


Cagayan Valley- Naaresto ang 82 na wanted persons ng mga kapulisan sa ikinasang isang araw na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa iba’t ibang bayan dito sa region 2.

Sa datos ng pulisya, mula sa 82 wanted persons, lima (5) sa mga ito ay mga Top Most Wanted Person o TMWP.

Maliban sa mga wanted person ay nakaaresto ng walong drug personalities kung saan nakumpiska ang tinatayang nasa 1.744 grams ng “Shabu” at 12.138 grams ng “Marijuana” na may Dangerous Drug Board (DDB) value na Php 12,069.00 at Php 2,069.00.

Mayroon din nahuli na dalawang (2) lalaki dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act; 44 katao sa paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling Act at apat (4) na katao na lumabag sa PD 705.

Samantala, nagresulta rin ang SACLEO ng PRO2 sa pagsuko ng 37 na NPA supporters at limang (5) rebelde na na-neutralize.  (REY VELASCO)