83-anyos na Davaoeño tinanghal na pinakamatandang umakyat sa Mt. Apo

83-anyos na Davaoeño tinanghal na pinakamatandang umakyat sa Mt. Apo

September 13, 2022 @ 11:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinanghal ang isang 83-anyos na lalaki mula Davao City  bilang pinakamatandang tao na umakyat sa Mt.Apo, na siyang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

Pinarangalan naman ng Davao del Sur Tourism Office si Pascacio Carcedo dahil sa pagtatamo ng bagong record.

Noong Sabado inakyat ni Carcedo ang nasabing bundok at naabot ang peak nito.

Bago niya akyatin ang nasabing bundok, pinagpraktisan niya munang akyatin ang tatlong bundok na mas mabababa para maihanda siya.

Nakatanggap siya ng parangal na Santa Cruz Trailblazer at nagpahayag ng pasasalamat sa mga tumulong sa kanya sa pag-abot sa tuktok ng bundok.

Nalampasan ni Carcedo ang dating record holder, isang 80-anyos na Singaporean na umakyat din sa Mt. Apo noong 2021. RNT