83 anyos na lola ginulpi saka dinalirot ng senglot

83 anyos na lola ginulpi saka dinalirot ng senglot

March 5, 2023 @ 3:05 PM 3 weeks ago


SAN MARIANO, ISABELA- Ibinalibag sa selda ng pulisya ang isang magsasaka na nambugbog na at nangmolestiya pa sa isang 83-anyos na lola na kanyang kapitbahay sa Casala, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Vic Aggabao nasa tamang edad at residente sa naturang lugar habang ang biktima na itinago sa pangalang Rowena.

Ayon kay PMaj. Edgar Manuel, hepe ng San Mariano Police Station ay may natanggap silang tawag mula kay Barangay Kapitan Gilbert Tappa ng Casala para ireport ang pananakit sa biktima.

Dakong 1:00 ng madaling araw ay nagising ang lola matapos maramdaman na may humawak sa kanyang katawan.

Nakita niya ang suspek na kanilang kapitbahay at bigla siyang sinakal kaya kinagat niya ang kamay ng suspek.

Kinalakad ng suspek ang matanda at iniuntog ang ulo sa dingding ng bahay at pinagsusuntok sa mukha.

Nang manghina ang lola ay ipinasok umano ng suspek ang kanyang daliri sa maselang bahagi ng katawan ng biktima.

Napag-alaman na tanging kasama ng lola sa kanyang bahay ang anak na may kapansanan sa pag-iisip na nakakulong sa loob ng bahay dahil nananakit kapag nakakawala.

Lumabas sa medical examination ng San Mariano Community Hospital na ang suspek ay positibo sa alcolohic breath test.

Depensa ng suspek na nablangko siya dahil sa kalasingan at para umano siyang nasasaniban nang gawin ang pananakit sa biktima.

Nakatakdang sampahan ang suspek dahil sa ginawa nitong pambubugbog at pagmomolistiya sa naturang lola. Rey Velasco