83 dayuhang may kaso naaresto noong 2021

83 dayuhang may kaso naaresto noong 2021

January 12, 2022 @ 8:00 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Naaresto ang 83 takas na dayuhan at may kasong kinakaharap sa Pilipinas noong 2021 kumpara sa 55 noong 2020, ayon sa Bureau of Immigration.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naisyuhan na ang mga ito ng arrest warrants base na rin sa mga operasyong isinagawa ng Fugitive Search Unit (FSU).

Sinabi ni BI-FSU Chief Rendel Ryan Sy na 55 dito ang galing sa South Korean; walong Amerikano; pitong Chinese; tatlong Japanese; at tatlong Taiwanese.

“Many of those arrested were involved in fraud, economic crimes, cybercrimes, and sexual offenses,” ani Sy.

Samantala, sinabi naman ni Morente na sa gitna ng COVID pandemic, patuloy silang magsasagawa ng operasyon laban sa mga iligal na alien.

“We will do everything in our power to arrest them, deport them, and ensure they are never able to return here.” RNT/FGDC