83 empleyado ng online lending arestado sa pagbabanta

83 empleyado ng online lending arestado sa pagbabanta

December 11, 2022 @ 1:01 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaresto ng Anti-cybercrime operatives ng Philippine National Police (PNP) ang kabuuang 83 katao na empleyado ng illegal online lending agency sa isang raid sa Sampaloc, Manila.

Ayon kay Police Brig. Gen. Joel Doria, direktor ng PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG), ang mga naaresto ang nagbabanta sa kanilang mga kliyente na hindi makakapagbayad ng utang sa tamang oras.

“They were caught in the act of sending threatening messages to customers while some where unlawfully accessing the clients’ personal information which is posted online with libelous remarks,” ani Doria.

Ang operasyon ay nag-ugat sa tambak na reklamong natanggap nila kung saan nagbabanta at namamahiya pa ang mga ito sa kanilang mga kliyente.

Ani Doria, agad silang nagkasa ng operasyon makaraang magkaroon na sila ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) mula sa Korte upang maghanap ng iba’t ibang ebidensya, kasama ang digital evidence sa naturang loan shark company.

Modus ng naturang lending agency na hikayatin ang mga tao na mangutang sa kanila dahil sa mabilis na proseso nito, ngunit sa oras na hindi makabayad ang kliyente sa tamang oras ay pagbabantaan na nila ito at ipapahiya sa ibang mga kaibigan at kamag-anak sa social media.

“They take advantage of our poor netizens who happened to click on their advertisements and promotions through social media and ‘google play apps store’ that offer instant loans,” sinabi pa ni Doria.

“Customers who fall trapped to this online lending agency, experienced public humiliation and harassment coupled with threats and illegal access to their phones’ contact list when customers cannot pay on time,” dagdag niya.

Ipinag-utos na ni Doria sa kanyang mga tauhan na paigtingin pa ang operasyon upang masakote rin ang iba pang kahalintulad na lending agency. RNT/JGC