832 pasado sa Agricultural, Biosystems Engineer Licensure Exam

832 pasado sa Agricultural, Biosystems Engineer Licensure Exam

September 22, 2022 @ 11:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Walong daan at tatlumpu’t dalawang indibidwal sa 1,968 examinees ang nakapasa sa Agricultural and Biosystems Engineer Licensure Exam, inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC).

Ibinigay ang pagsusulit ng Board of Agricultural and Biosystems Engineering noong Setyembre 2022, na ginanap sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi, Lucena, at Tuguegarao.

Ang University of the Philippines (UP) Los Baños, na may passing percentage na 100 percent, ang lumabas bilang top-performing school sa nasabing pagsusulit. Pangalawa at panghuli sa listahan ang Central Bicol State University of Agriculture – Pili na nagtala ng rating na 90 porsyento.

Samantala, nakakuha naman ng pinakamataas na puwesto sa board si Fernando Asma Paralejas Jr. ng Mindoro State University na may rating na 86.32 percent.

“The date and venue for the oathtaking ceremony of the new successful examinees will be announced later,” sabi ng  Commission. Jocelyn Tabangcura-Domenden