841 paaralan sa bansa giawang COVID vaccination site – DepEd

841 paaralan sa bansa giawang COVID vaccination site – DepEd

January 28, 2022 @ 6:20 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Education (DepEd) na 841 paaralan na ang nagsisilbing vaccination sites.

“Sa ngayon, batay sa ating datos, meron nang mga 841 schools na ginagamit o ginamit na para sa para sa ating regular vaccination program,” lahad ni DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma sa Laging Handa public briefing.

“Yan ay nadagdagan mula sa unang bilang na  500 all over the country.”

Nagpahayag din ang pamunuan ng suporta sa pagbabakuna sa mga nasa edad lima hanggang 11.

“Itong darating na pagbabakuna sa 5 to 11, willing tayo makipag-ugnayan muli sa mga LGUs and DOH at sa ating national vaccination operations center kung kinakailangan pa na madagdagan yung paaralan na magamit na vaccination site  ,” paliwanag ni Garma.

“Hahayaan din natin ang ating mga RDs at superintendents to decide kung ilang personnel ang kaya nilang i-commit para makatulong especially yung mga medical and nursing personnel kung pwede silang makatulong dito sa effort na gagawin ng ating pamahalaan,” dagdag pa nito.

Samantala, nakaantabay aniya ang DepEd sa posibleng dagdag na guidelines tungkol sa registration process ng mga batang nasa edad lima hanggang 11.

“We’re also waiting for any additional guidance coming from DOH but so far, I think pareho lang naman halos.”

 “Yung pagsama ng mga magulang or gurdian dun sa mga batang babakunahan at yung expression of approval ng ating mga batang babakunahan para sa 5 to 11,” punto pa rito. RNT/FGDC