844,800 dose ng AstraZeneca COVID vax tinanggap na ng Pinas

844,800 dose ng AstraZeneca COVID vax tinanggap na ng Pinas

October 15, 2021 @ 7:27 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Natanggap na ng Pilipinas ang nasa 844,800 dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ngayong araw ng Biyernes.

Lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 na donasyon ng German government sa pamamagitan ng COVAX facility.

Nagpasalamat naman si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pamahalaan ng Germany.

“Over 400,000 Filipinos will benefit from these vaccines and this means more than 400,000 of our countrymen will be saved from severe COVID-19 complications and death.” RNT/FGDC