848 bagong kaso ng COVID naitala; 6,761 active cases

848 bagong kaso ng COVID naitala; 6,761 active cases

June 27, 2022 @ 7:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sumirit sa 848 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) noong Linggo.

Bunsod nito, umabot na sa 3,700,876 ang naitalang kabuuang COVID cases sa bansa.

Ito na ang pinakamataas na naitalang kaso sa isang araw mula noong Marso.

Tumaas na rin sa 6,761 mula sa 6,425 noong Sabado ang naitalang aktibong kaso.

Umakyat sa 3,633,096 ang bilang ng mga nakarekober, habang 60,518 naman ang nasawi.

Ayon sa DOH, ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 3,701, sinundan ng Calabarzon na may 1,302, at Central Luzon na may 650.

Nabatid ng DOH na ang bed occupancy sa bansa ay 17.7%, kung saan 5,270 beds ang okupado, habang 24,431 ang bakante. RNT