85% ng ‘severe’ COVID patients sa DOH hospitals sa NCR ‘di bakunado

85% ng ‘severe’ COVID patients sa DOH hospitals sa NCR ‘di bakunado

January 2, 2022 @ 12:36 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng  Department of Health (DOH) na 85 porsyento ng mga pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) patients sa intensive care units (ICU) na nangangailangan ng mechanical ventilators sa DOH hospitals sa Metro Manila ang hindi bakunado.

“Over the week, we have noted a steady increase in hospital admissions in Metro Manila. Data from DOH hospitals in NCR [National Capital Region] shows that 85% of those in the ICU and requiring mechanical ventilators are not vaccinated at all,” pahayag ng DOH nitong Sabado.

“With both Delta and Omicron variants in our midst, we reiterate our call to all who have not yet availed of safe, effective, and free COVID-19 vaccines. Do not delay any further,” patuloy ng ahensya.

Direktang nasa ilalim ng pagbabantay ng DOH ang mga ospital nito at pampublikong ospital. Inilipat naman ang pamamahala sa ilang lokal na ospital sa local government units.

Muli namang sinabi ng health department na malinaw ang ebidensya na nakapo-protekta ang mga bakuna laban sa kritikal na COVID-19 virus at pagkamatay. RNT/SA