850 pamilya, na-displace sa pananalasa ni ‘Karding’- NDRRMC

850 pamilya, na-displace sa pananalasa ni ‘Karding’- NDRRMC

September 26, 2022 @ 12:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- May 850 pamilya ang na-displace dahil kay  Super Typhoon Karding matapos manalasa sa Luzon, araw ng Linggo.

Ito ang iniulat ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang initial situation report kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng ahensiya na ang pigura ay may katumbas na  3,097 indibidwal.

Sa nasabing bilang, 168 pamilya o 653 katao ang nakatira sa 28 barangay sa Cagayan Valley, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Habaang ang 682 pamilya  o 2,444 katao ay nauna nang inilikas sa  Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.

May  147  pamilya naman ang dinala sa  shelter sa loob ng  34 evacuation centers na ang natitira ay tinutulungan ng mga kamag-anak  at kaibigan.

Sinabi pa ng NDRRMC na hindi pa sila nakatatanggap ng reports ng casualties dahil kay  “Karding”.

Dalawang lansangan naman sa Bicol Region ang hindi madaanan sa ngayon.

Mayroon namang  47 ports o daungan ang napaulat na suspendido ang  operasyon o  non-operational, sa kasalukuyan.

Iniulat din ng NDRRMC na may 2,737  na pasahero ang stranded kasama ang  260 rolling cargoes, 24 vessels, at 13 motorbancas sa Calabarzon, Mimaropa at Bicol regions.

Ang initial damage sa imprastraktura ay umabot na sa P1 milyon sa Mimaropa.

Sa kabilang dako, sinabi ng NDRRMC  na may standby funds na nagkakahalaga ng P186.4 milyon na  available  sa Department of Social Welfare and Development central at field offices.

Kabilang sa nasabing halaga ang quick reaction fund na nagkakahalaga ng P103 milyong piso.

“Stockpiles consisting of family food packs and other food and non-food items are placed at P985.4 million,” ayon pa rin sa NDRRMC. Kris Jose