8,564 pang bagong kaso ng COVID naitala; 10,474 gumaling, 46 patay

8,564 pang bagong kaso ng COVID naitala; 10,474 gumaling, 46 patay

February 4, 2022 @ 4:01 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nanatili sa mahigit walong libo ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa batay sa case bulletin no.692 ng Department of Health (DOH).

Sa pangkalahatang bilang na 3,594,002,  ipinakita sa pinakahuling datos na 8,564 ang bagong kaso ngayong araw, Pebrero 4.

Samantala, nadagdagan din ng 10,474 sa mga gumaling na may total tally na ngayon na 3,388,399.

Karagdagang 46 naman namatay kaya umabot na rin sa 54,214 ang total deaths ng COVID-19 sa bansa.

Nabawasan na rin ang aktibong kaso na nasa 151,389 na lamang.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 2, 2022 habang mayroong anim na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 1.7% sa lahat ng samples na naitest at 1.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)