87 pang Pinoy sapul ng COVID

87 pang Pinoy sapul ng COVID

March 8, 2023 @ 7:03 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagtala ang Department of Health (DOH) nitong Martes ng 87 bagong impeksyon sa COVID-19—ang pinakamababang bagong bilang ng mga kaso ng coronavirus mula noong Pebrero 28.

Ipinakita ng datos mula sa pinakahuling bulletin ng DOH na pinababa nito ang kabuuang aktibong impeksyon sa bansa sa 8,901 mula sa 8,940 na mga kaso na naiulat noong Lunes. Ang kabuuang nationwide caseload ay nasa 4,077,183 na.

Samantala, umakyat naman ng 106 ang kabuuang recoveries sa 4,002,115 habang nasa 66,167 ang bilang ng nasawi.

Ang Metro Manila ay nanatiling rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa loob ng 14 na araw na may 423. Sinundan ito ng Davao Region na may 226; CALABARZON na may 201; Soccksargen na may 117 at Northern Mindanao na may 90.

Ang COVID-19 bed occupancy sa bansa ay nasa mababang panganib pa rin sa 15.9%. RNT