8,702 pang bagong kaso ng COVID naitala; 15,290 gumaling, 71 patay

8,702 pang bagong kaso ng COVID naitala; 15,290 gumaling, 71 patay

February 3, 2022 @ 4:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pumalo lamang sa 8,702 ang kaso ng COVID ngayong araw ng Huwebes, Pebrero 3, ayon sa Department of Health.

Karamihan pa rin sa mga kaso ay mild na nasa 143,493;  asymptomatic na nasa 4,923; moderate,3,067; severe 1,528.

Dahil sa karagdagang bagong kaso, ang total case na ngayon ng COVID-19 ay umakyat na sa 3,585,461.

Nakapagtala rin ng 15,290  sa mga gumaling na may kabuuan ng 3,377,958.

Sa deaths, mayroon lamang 71 na bagong naitala na ngayon ay pumalo na rin sa 54,168.

Ang aktibong kaso naman ay bhagy apang mataas  dahil umaabot pa rin ito sa 153,335. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)