8,748 pang bagong kaso ng COVID naitala; 187 patay, 3,017 gumaling

8,748 pang bagong kaso ng COVID naitala; 187 patay, 3,017 gumaling

May 28, 2021 @ 4:20 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Muling nakapagtala ngayong araw ng mahigit walong libong bagong kaso sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nasa 8,748 na karagdagang kaso ang naitala ngayong araw kung kaya umakyat ba sa kabuuang 1,209,154.

Mayroon namang naitalang 3,017 na gumaling at 187 na bagong pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (53,770) ang aktibong kaso; 93.9% (1,134,818) na ang gumaling at 1.70% (20,566) ang namatay.

Operational naman ang lahat ng mga laboratoryo noong May 26, 2021 ngunit mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.1% sa lahat ng samples na nai-test at 2.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Mayroon namang 24 duplicates na inalis sa total case counts kung saan 19 ang nakarekober .

Mayroon ding 122 kaso na nai-tag bilang gumaling na na-reclassify na pumanaw matapos ang final validation.  Jocelyn Tabangcura-Domenden