88% ng PNP colonel, generals nagbitiw na sa pwesto

88% ng PNP colonel, generals nagbitiw na sa pwesto

January 13, 2023 @ 11:56 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 841 o 88% ng kabuuang police colonels at heneral ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation sa gitna ng paglilinis ng gobyerno sa hanay ng kapulisan na may kaugnayan sa droga.

Iniulat ito ni sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos noong Huwebes.

“Patunayan ito na kaisa natin ang PNP sa radikal na hakbang na ito,” ani Abalos.

Matatandaan na Enero 4 nang hilingin ng Interior chief sa mga third-level na opisyal ng PNP na magsumite ng kanilang courtesy resignation, na sinasabing bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na alisin sa puwersa ng pulisya ang mga opisyal na sangkot sa ilegal na droga.

Bumuo naman ng 5-member committe na kinabibilangan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, isang retiradong heneral ng pulisya, ang nakatakdang sumuri sa mga magbibitiw na pulis.

Sa kabilang banda, tinawag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang hakbang na “unfair and illogical,” at sinabing may karapatan ang mga opisyal na ipaalam sa mga akusasyon laban sa kanila.

Kinuwestiyon din ng international rights watchdog na Human Rights Watch ang nasabing hakbang.

“The short answer is that trusting the police to voluntarily resign if they were somehow involved in abuse is a recipe for nothing happening in the Philippines,” ani HRW deputy Asia director Phil Robertson. RNT