886 pamilyang nasalanta ng bagyong Paeng sa Biñan, nasa evacuation centers pa rin

886 pamilyang nasalanta ng bagyong Paeng sa Biñan, nasa evacuation centers pa rin

November 17, 2022 @ 3:27 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Bagama’t ilang linggo na ang nakalipas nang manalasa ang bagyong Paeng sa malaking bahagi ng bansa, nananatili pa rin sa evacuation centers sa Binan, Laguna ang nasa 886 pamilya.

Ito ang lumabas na datos mula sa City Social Welfare And Development Office kung saan nasa 886 na pamilya o 3,606 indibidwal ang nananatili pa rin sa siyam na evacuation centers hanggang nitong Miyerkoles, Nobyembre 16.

Kabilang dito ay ang Alonte Sports Arena kung saan inilipat dito ang ilang mga evacuees na dati ay namamalagi sa pampublikong paaralan dahil magsisimula na ang pasukan.

Samantala, bumuo naman ng temporary wooden bridges ang lokal na pamahalaan para sa mga residenteng nahihirapan sa kanilang pang-araw araw na gawain dahil pa rin sa putik at baha sa lugar.

Ayon kay Mayor Arman Dimaguila, ang pagbaha sa Barangays Dela Paz, Malaban, at San Jose ay maaari pang tumagal nang hanggang dalawang buwan dahil sa pag-apaw ng Laguna Lake. RNT/JGC