89 barangay chairpersons suspendido sa SAP anomalies — DILG

89 barangay chairpersons suspendido sa SAP anomalies — DILG

September 12, 2020 @ 1:03 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na suspendido ng anim na buwan ang 89 barangay chairpersons dahil sa anomalya na kinasasangkutan sa unang tranche ng Social Amelioration Program.

Agad inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga mayor ng munisipalidad na ipatupad ang suspensyon oras na matanggap ang kautusan mula sa Office of the Ombudsman.

Pinasalamatan naman ni Año si Ombudsman Samuel Martires sa pag-aksyon sa tugon ng DILG kaugnay sa naturang isyu.

“Naway magsilbing babala ang suspensiyon na ito sa iba pang mga lokal na opisyales. Ang katiwalian ay walang puwang sa ating pamahalaan lalong-lalo pa ngayong panahon ng pandemya.”

“The evidence on record shows that the guilt of these punong barangays is strong and the charges against them involve Serious Dishonesty, Grave Misconduct, Abuse of Authority and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service which may warrant removal from the service.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...