89 patay sa baha sa Indonesia

89 patay sa baha sa Indonesia

March 21, 2019 @ 9:52 AM 3 years ago


Indonesia – Umabot na sa 89 ang bilang ng mga namatay sa rumagasang baha at landslide sa Papua region ng Indonesia, inaasahang tataas pa dahil sa dami ng bilang na nawawala, ayon sa national disaster agency nitong Martes.

Marami rin ang naitalang sugatan matapos bumuhos ang malakas na ulan noong Sabado kung saan 6,800 indbidwal din ang lumikas sa mga shelter.

Nasa 74 ang patuloy na pinaghahanap habang nasa 150 iba pa ang nabalian ng buto, nasugatan at nagtamo ng iba pang galos.

 “Many people are choosing to stay at shelters because they’re still traumatized and scared of more flash floods, so some evacuation centers are packed,” sabi ni national disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho.

Nag-isyu na rin ang gobyerno ng 14-araw na state of emergency sa Papua./Remate News Team