89 sunog naitala sa holiday season – BFP

89 sunog naitala sa holiday season – BFP

January 1, 2023 @ 4:53 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng 89 sunog ngayong holiday season o mula Disyembre 24, 2022 hanggang Enero 1, 2023.

Ito ang iniulat ng BFP nitong Linggo, unang araw ng taon kung saan 44% ito na mas mababa sa mga naitala naman sa kaparehong panahon noong 2021 na 160.

“Sa datos natin, related po ito sa electrical ignition, ito po ‘yung mga kuryente natin, at majority ay residential ang mga fire incidents na ito. Pumapangatlo ang smoking. ‘Yan ang ating mga top causes of fire,” ayon kay BFP spokesperson Fire Superintendent Analee Atienza sa panayam ng DZBB.

Dahil dito, nanawagan si Atienza sa publiko na palaging tiyaking maayos ang linya ng kuryente upang maiwasan ang sunog sa mga residential areas.

Hinimok rin niya ang mga residente na makipag-ugnayan sa BFP upang matukoy ang fire hazards sa kani-kanilang mga lugar. RNT/JGC