895 bagong kaso ng COVID naitala mula Peb. 13 ‘gang 19

895 bagong kaso ng COVID naitala mula Peb. 13 ‘gang 19

February 20, 2023 @ 5:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 895 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa mula Pebrero 13 hanggang 19.

Sa bilang na ito, 406 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital noong Pebrero 19.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 128, mas mababa ng 19 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Pebrero 6 hanggang 12.

Sa mga bagong kaso, 3 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 74 na pumanaw kung saan 4 ay naganap noong Pebrero 6 hanggang 19.

Sa 2,086 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 311(14.9%) ang okupado.

Samantala, 3,202(18.8%) ng 17,045 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.59% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.48% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Paalala pa rin ng DOH sa lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Jocelyn Tabangcura-Domenden