899 pang bagong kaso ng COVID naitala; 188 patay, 1,667 gumaling

899 pang bagong kaso ng COVID naitala; 188 patay, 1,667 gumaling

November 27, 2021 @ 4:11 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Naitala ng Department of Health  ang bagong 889 na kaso ng coronavirus disease.

Dagdag pa rito ang  1,667 na gumaling at 188 na pumanaw.

Mula sa kabuuang 2,831,177 na kaso ng COVID-19, ang 2,765,920 ay gumaling na sa sakit, at 48,205 naman ang kabuuang namamatay na sa sakit.

Kasama ang 17,052 na aktibong kaso sa kabuuang bilang ng naitatalang nagpopositibo  na patuloy na ginagamot sa ibat-ibang pasilidad sa bansa.

Kaugnay pa rin sa masusing pag-iingat at pagsunod sa health protocol, binabantayan ngayon ng DOH ang isa pang variant mula sa South Africa na tinawag na Omicron na umanoy mas nakakahawa rin tulad ng Delta variant.

Sa pagbaba ng kaso sa bansa, paalala pa ng DOH na huwag  magpakampante lalo na’t may mga nagsusulputang mga mutations at iba pang variants ng COVID-19. (Jocelyn Tabangcura- Domenden)