8th person of interest sa Lapid slay hawak na ng NBI

8th person of interest sa Lapid slay hawak na ng NBI

October 28, 2022 @ 3:02 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ikawalong person of interest sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ito ang sinabi ni Department of Justice spokesperson Atty. Mico Clavano nitong Biyernes, Oktubre 28 kung saan ang inmate ay nagmula sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) detention facility.

“Last night, around midnight, there was a transfer from the intelligence service of the ISAFP detention facility. There’s one inmate there who was transferred to the NBI custody as well, around midnight na-transfer ‘yun,” pahayag ni Clavano.

“So today there will be an investigation and question and answer. Hopefully, we’ll get a statement as well,” dagdag pa niya.

Sa kanya ring mensahe, sinabi ni Clavano na mayroon nang limang POIs ang nasa ilalim ng DOJ at tatlong POIs ang nasa ilalim naman ng Philippine National Police (PNP).

Nitong Huwebes, Oktubre 27 ay nagsimula na ang joint investigation ng NBI at PNP sa pagkamatay ni Jun Villamor, ang itinuturong middleman sa pagpatay kay Lapid.

“Yesterday was the first time that the PNP and the NBI came together to perform an investigation jointly. So I think we’re on to something. This is— the story is becoming a bit clearer. But of course, again, we have to be cautious because we don’t want to jump into any conclusions,” ani Clavano.

Kamakailan, sinabi rin ng DOH na iniimbestigahan na nila ang posibilidad na si Villamor ay pinatay.

Kumuha rin umano sila ng pahayag mula sa apat na iba pang POIs.

“Yesterday, we conducted an investigation on the four PDLs that we had transferred from the New Bilibid Prison to the NBI’s custody. They… gave their statements, there was a question and answer portion also, but we formalized into judicial affidavits already,” pagtatapos ni Clavano. RNT/JGC