8th Women’s Martial Arts Festival sisipa  sa Nobyembre 

8th Women’s Martial Arts Festival sisipa  sa Nobyembre 

October 18, 2022 @ 11:27 AM 2 months ago


MANILA, Philipppines – Puspusan na ang paghahanda ng Philippine Sports Commission para sa ika-8 edisyon ng Women’s Martial Arts Festival sa pagbabalik nito sa pisikal na kompetisyon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at Philsports Complex sa Pasig sq Nobyembre 12 hanggang 17, ngayong taon.

Ipinahayag ni PSC Commissioner and Project Oversight Olivia “Bong” Coo ang kanyang sigasig sa pagbabalik ng mga kumpetisyon.

 “Ipinagmamalaki ko at kagalakan na makilala at makita ang ating mga kababaihan at mga batang babae sa martial arts na nagpapakita ng kanilang galing at tumuklas ng mga batang talento, na ang ilan ay maaaring patunayan na sila ang aming susunod na mga gintong medalya.”

“Napaka-matagumpay ng mga kababaihan sa palakasan, mula noong nakaraang taon na Olympic gold hanggang sa maraming tagumpay ngayong taon sa football at karateka na si Junna Tsukii ang panalo sa The World Games.

Ito ay nagpapakita na kailangan nang ipagpatuloy ang aming suporta at ang mga programang inihanda upang pangalagaan at higit na buksan ang pagkakataon at pagkakapantay-pantay sa sports,” dagdag pa ni Commissioner Coo.

Mahigit 1,000 kalahok ang inaasahang sa women’s martial arts festival na maghahatid ng 9 na regular na palakasan katulad ng, Pencak Silat, Wrestling, Sambo, Taekwondo, Muay Thai, Kickboxing, Karate, Jiu Jitsu, Kurash, at 2 demonstration sports kabilang ang Arnis at Judo lalabanan para sa anim na araw na sportsfest.

Tatagal ang pagpaparehistro hanggang Oktubre 28.RICO NAVARRO