9.5K sa 42K barangay sa bansa may droga pa rin – PDEA

9.5K sa 42K barangay sa bansa may droga pa rin – PDEA

September 28, 2022 @ 5:21 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Apektado pa rin ng illegal na droga ang nasa 9,590 barangay sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency chief Wilkins Villanueva kasabay ng budget hearing sa Senado ngayong araw, Setyembre 28.

“Meron na lang tayong natitirang 9,590 drug-affected barangays out of the 42,046 barangays in the country,” ani Villanueva.

Dagdag pa rito, sinabi niya na maglalaan ang ahensya ng pondo mula sa proposed P3.009 bilyon budget sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program para sa paglilinis ng mga barangay at maideklara na rin na drug-free.

Inihayag naman nito na isa sa mga suliranin na kanilang binabantayan ay ang nag-iibang modus ng mga drug syndicates na kung dati ay ipinadadala sa pamamagitan ng mga pantalan, ngayon ay inihuhulog na lamang sa gitna ng dagat ang bulto-bultong droga at kukunin ng mga kasabwat nito. RNT/JGC