9 araw palang ikinasal; PCG personnel, pinatay

9 araw palang ikinasal; PCG personnel, pinatay

October 1, 2022 @ 10:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagpaabot ng pakikiramay ang buong pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa naiwang pamilya ni CG Lieutenant Junior Grade (LTJG) Rando Val Siega na binaril at pinatay sa Barangay Banaba Cerca, Indang, Cavite noong Setyembre 26.

Ayon sa PCG, batay sa imbestigasyon ng Indang Municipal Police Station, si CG LTJG Siega ay nasa bahay ng kanyang biyenan nang barilin nang ilang beses ng suspek na si Jerry Creus.

Naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Si CG LTJG Siega ay naka-assign sa BRP Melchora Aquino (MRRV-9702).

Napag-alalam na siyam na araw pa lamang itong kasal kay Coast Guard commissioned officer, CG LTJG Khristelle Joyce Panganiban-Siega noong September 17,2022.

“Coast Guardians join CG LTJG Panganiban-Siega and her entire family in praying for justice and strength during this trying time.”

“We salute you, CG LTJG Siega! Thank you for your selfless service to the Filipino nation,” ayon pa sa PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden